Masaya sa Umaga
Malungkot sa Gabi.
Pinipilit maghanap ng makakausap
Naghahanap ng bagay na mapag kaaabalahan
Nag-iisip kung ano ba talaga ang magpapasaya
Masaya pag andyan ang mga kaibigan
Masaya kasi may nakakausap.
Maraming tawanan at biruan
Dumidilim na.........malungkot na naman
Umalis sila na may ngiti
Ngunit pag mag-isa’y lungkot ang kapalit.
Wala nang tawanan at kulitan........malungkot nanaman
Pinipilit isipin kung ano ba talaga ang magpapasaya skin
Palagi na lng bang ganito?
Di pa ba sapat ang pamilya’t kaibigan ko?
Ano ba tlga ang hinahanap ko?
Ito ba’y tungkol sa aking puso?
Hanggang kalian ba ako magiging ganito?
Pano ko ba malalampasan ang kakulangang ito?
Nakatulala sa kwarto nag iisip di mapakali
Kailangan bang maging kompleto para maging masaya?
Di ba pwedeng makontento na lang mag-isa?
Ba’t ang iba kontento mag isa?
Masaya naman ako sa pamilya at kaibigan ko.
Pero bakit?.......kulang.
Pano mag sisimula?
Kung di alam kung ano nga ba ang hahanapin
Kung hahanapin.......saan maghahanap?
O, hihintayin na lng kung ano nga ba ang kulang?
Sana ngayon na
O,bukas
O, hanggang maramdaman ko na ito ang kulang.
Para masabing ito’y tunay na LIGAYA
o diba ang drama..... pero wag mag-alala nahanap ko na siya.... ang taong nagbibigay kakulangan sa akin...... and taong nagbigay sa akin ng tunay na ligaya.... o diba in love ito
until next time..... love yah kilala mo na kung sino ka.... sana...
-nyks12-